Thursday, April 28, 2011

pag sumasayaw mga bagay sa ulo mo

pag tumutunog ang gitara
wag pigilan ang pag kanta
pakinggan ang sinasabi puso mo
at wag yung sa iba

pag tumutulo ang ‘yong luha
wag hayaan mata’y masira
pagmasdan ang galaw ng puso mo
at wag yung sa iba

pag tumatakbo ang oras
at hindi ka na makaiwas
ang lahat kay bilis lumilipas
pati tayo hindi makatakas

pag lumilipad ang isip
minsan ikaw ay maidlip
damhin ang gusto ng puso mo
at wag manatili sa panaginip

-09.11.07

1 comment: