Thursday, April 28, 2011

bantay

hindi ko kayang mawala ka sa’king tabi

di na ako sanay lumabas kapag gabi

wala na akong kasama

malungkot naman mag isa

inisip ko na lang umalis ka sandali

at ilang saglit lang babalik ka nang muli

ngunit ang tagal ng araw

baka naman naliligaw

ka lang, ayokong isiping wala ka na

namimiss ko na ang maningning mong mga mata

matatamis mong mga ngiti kapag nandyan ka na

mundo ko ay bigla na lamang nag iiba

kahit anong gawin hindi ka na babalik

hindi na mararamdaman ang iyong halik

dahil wala ka na dito

nasa iba ka nang mundo

1 comment:

  1. mas cool parin ung orig, pero astig din to. hehe. -lhen-

    ReplyDelete