Wednesday, June 23, 2010

Luha ni Eros


Hindi maintindihan; mundo bakit ganyan
hindi nagkatuluyan ang inaasahan
kumplekadong sitwasyon
mali nga ba ang panahon
maglalasing na lang mag hapon
iiyak ang kerubin buong taon

long distance relationship; mga nalilito ang isip
may nakitang iba; mood na di maitimpla
meron bagong nag pa-impress
o di kaya iba na ang interest

may third party; sa kasal nahuli
nagsasawa na; di talaga maisalba
lahat na lang pinag seselosan
pinag hiwalay ng kamatayan

status complicated; relasyon maraming sabit
pag ibig na puro duda; nagka-anak sa iba
pagmamahalan na nabuhay sa hinala
kaya ang ending ay napunta sa wala

parang romeo and juliet; relasyon di maipilit
ayaw ng magulang; maraming hadlang
pinag-lalaruan, pinag-layo ng tadhana
walang nang magawa kundi ang lumuha

No comments:

Post a Comment