humarap ako sa salamin
nakita ko na malayo pa
ang buhay na para sa akin
marami pang oras
kakaunti pa ang problema
walang masyadong iniisip
panahon mamimiss ko pala
ngayon lumipas na ang lahat
sadyang kay bilis ng panahon
di na muling maibabalik
masayang tunog ng kahapon
kailan nga ba ang huli
kong pag tingin sa salamin
iba na pala ako sa kahapon
madami na nga bang nag bago sa'kin
tuloy-tuloy lang ang buhay
walang makakapigil sa nais mangyari
subalit saan na nga ba ako patungo
kung saan man kasama kita hanggang huli
-- tribute ko ito sa kabataan ko (9-12 years old). Nakakamiss kasi noong bata pa hindi mo kailangan mag madali sa buhay, hindi mo pa naiintidihan kung paano nga ba mabuhay talaga basta masarap lang maging bata muli yung pakiramdam na walang inaalala makapaglaro lang sa labas. Noong mga 10 years old yata ako naalala ko may binabasa kami ng tutor ko na story sa libro nakalimutan ko na ang title basta ang story nya ay tungkol sa isang bata na tumitingin sa salamin araw-araw hanggang sa lumaki ng konti at hanggang sa tumandan na sya minamasdan nya ang sarili sa kanyang pag laki, di ko makalimutan yun parang nagandahan siguro ako dun tapos sa drawing ng librong yun yung bahay nila parang nasa dagat, yun ang imagination ko nasa tabing dagat ang bahay nila sabi ko noon sa isip ko parang masarap tumira sa ganitong bahay. Parang nakakamiss lang yung panahon na yun binabasa ko pa ang libro namiss ko talaga ang kabataan ko kasi 24 na ko. Ang sarap lang sariwain ang panahon wala pang problema parang gusto mo ulit dalawin ang kahapon, kung may time machine lang madami akong gustong puntahan at kakausapin ko ang batang ako a papayuhan na lang sa buhay nya. Kaya "salamin sa dagat" ang title ay dahil dun sa kwento nabasa ko noong 10 years old palang ako.
No comments:
Post a Comment