Friday, June 1, 2012
kate
yeah she's really hot with her looper pedals on
and when she sing it's turn me on, turn me on
she's cute
yeah she's really cute with her guitar effects on
and when she strum it's turn me on, turn me on
I think I love her hair and her eyes too
she's so far away so what can I do
she's cool
yeah she's really cool when she makes those crazy sounds
when she stomp her foot I like it how it sound
Tuesday, April 3, 2012
Childhood Sweetheart
ANG SIMULA
Minsan ang buhay ay hindi mo maintidihan kung kailan ka masaya dun pa biglang babawiin sayo ang kasiyahan mo gaya ng naging buhay ni paul at ang kasintahan nya na si mary. Nag simula ang kwento nila noon mga pa bata pa sila, isang kwento ng pag iibigan na nauwi sa wala dahil sa pinag hiwalay sila ng tadhana. Nag kakilala sila noon bata pa, naging mag ka-schoolmate sila noon, kakalipat lang ni paul noon galing sa malayong eskwelahan at kahit na hindi sila mag kaklase ay naging close sila sa isa't isa medyo maliit lang ang eskwelahan kaya naman halos magkakakilala lahat ng estudyante doon, pinuntahan ni mary si paul dahil nga sa bagong ito sa eskwelahan nila at nakipagkaibigan ito; tinignan ni mary ang i.d. ni paul para malaman ang pangalan nito, ang di alam ni paul ay kinuha na rin ni mary ang phone number nila sa bahay. At dun nag simula ang kanilang pag titinginan nasa high school pa lang sila pero iba na ang tinginan nila sa isa't isa tila isang tunay na pag ibig ang nagaganap kapag sila ay nag kakatitigan. Si paul ay nasa 3rd year high school ang kanyang edad ay 15 years old samantalang si mary ay nasa 1st year high school at 13 years old pa lamang sya. Isang subd. lang sila kaya pag wala silang pasok sa eskwelahan madalas silang mamasyal sa kanilang malaking subd. naglalakad at nag uusap at ang kanilang pag titigninan ay nauwi sa pag iibigan, mga bata pa sila ngunit tila naiintindihan na nila ang salita ng pag ibig makikita mo sa kanilang mga mata na tunay ang kanilang nararamdaman.
Sa park; "alam mo bang pinag tsitsimisan na tayo sa school kasi madalas tayong magkasama". sabi ni mary, "ganun hayaan mo lang sila". sagot naman ni paul, "haha ou nga wala silang pakialam". sabi naman ni mary. Laging masaya ang araw pag sila ay mag kasama hanggang gabi ay tila napapangiti ang buwan at ang mga tala. Minsan pag gabi ay mag kausap sila sa telepono parang hindi nauubusan ng sasabihin sa isa't isa, kay saya ng bawat nararamdaman nila, bawat oras na mag kasama, bawat sandali ay naiiba tila nasa ulap ang dalawa.
Isang araw ay hindi nakapasok sa eskwelahan si paul dahil sya ay may lagnat, nalungkot si mary dahil mag isa lang sya kumain sa eswkela iniisip kung bakit hindi nakapasok si paul kung bakit sya absent, may mga kaibigan din naman si mary sa loob ng eskwelahan ngunit talagang malapit sya kay paul at wala nang tatalo pa sa pagkaclose nila ni paul. Nung uwian na nila ay mag isa umuwi si mary medyo namiss nya si paul dahil lagi silang sabay umuwi nito pag uwian na. Habang nas tricycle ay naiisip nya si paul at napapangiti na lang hanggang makarating sa kanilang bahay. Dinalaw ni mary si paul sa kanilang bahay at may dala pa syang mansanas para kay paul, sa sala ay nag kakwentuhan silang dalawa hanggang mag alas syete na at kailangan na umuwi ni mary sa kanila dun na sana sya pinapakain ng hapunan ng mga magulang ni paul ngunit talagang hinihanap na sya sa kanila "sa susunod na lang po ako kakain dito, hinahanap na po kasi ako ng mama ko eh". wika ni mary sa ina ni paul "o sige ija sa susundo na lang, salamat sa pag dalaw mo sa anak ko". sagot ng ina ni paul. "wala po yun tita, thank you din po". ang sabi ni mary. At hinatid na ni paul si mary hanggang sa gate ng kanilang bahay. "wala ka na bang sakit?". tanong ni mary kay paul. "medyo nawawala na". sagot ni paul kay mary. "sana makapasok ka na bukas" pagnanais ni mary. "sana nga makapasok na ko, parang wala na kong lagnat ngayon eh". sagot naman ni paul. Hanggang mag paalam na sila sa isa't isa.
Kinagabihan noon ay tumawag pa si mary kay paul at nag usap sila sandali. "kamusta na pakiramdam mo?". tanong ni mary. "okey naman na tingin ko kaya ko na pumasok bukas". sagot ni paul. "buti naman namiss kasi kita sa school eh". sabi ni mary. "wag kang mag alala papasok na ko bukas, ikaw din namiss kita". sagot ni paul. "pagaling ka". wika ni mary "sige para sayo". sagot ni paul. "talaga lang ah para sa'kin". ang sabi ni mary."ou naman" sagot naman ni paul. At pag katapos nila mag usap, pagkababa ng telepono ay kinilig sila sa isa't isa tila di makapaniwala sa kanilang nararamdaman.
~end of chapter one~