Sunday, February 20, 2011

13

ano kaya sa iba ako dumaan?
lumihis lang ako ng konti
iba rin kaya ang aking magiging kapalaran
magiging masaya kaya o hindi?

paano kung sa pag lalakad ako'y huminto
sa isang lugar na maraming mali
sino kaya ang makakapag-turo
kung nasaan ako at kung maibabalik bang muli

ano kaya kung dumidilim ang landas
may liwanag kaya akong makikita
maririnig ko kaya ang nakaraang mababakas
ng pangyayari, malungkot man o masaya

makita ko pa kaya ang ilaw
kahit sa aking konting pagkakamali
buhay ko ba'y aking matatanaw
kung lahat ng dinaanan ko ay mali

buti na lang hindi.........

sumabay ako sa mga taong alam kong aalis din
meron din naman bumabalik at naiiwan
ngunit may ngiti sa langit akong iipunin
at ang hangin pwede akong dalhin sa nakaraan

Wednesday, February 9, 2011

mali

pasensya ka na
kung may nasabi man akong
di ka natuwa
di ko naman sinasadya
maniwala ka
wala akong ibang ibig sabihin
tanga lang talaga
di ko na sana inamin
ganito lang talaga
para akong praning
hindi pa magising
sa katotohanan
di ka naman magiging akin
hanggang panaginip lang
ikaw ay makakapiling


sana malapit na lang
ang mga bituin
sasakay ako
hanggang langit
buwan ay aabutin
at ako ay hihiling
kahit isang saglit
ikaw ay makapiling
dahil di mo lang alam
ikaw ang gumising
sa akin............

panaginip lang pala kita
pasensya ka na
sana ako ay magising na
dahil sa mundo ko nabubuhay ka...